2 Pinoy, kumpirmadong nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel — DFA Sec. Manalo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma mismo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagkasawi ng dalawang Pilipino kasunod ng pag-atake ng rebeldeng Hamas sa bansang Israel.

Sa kaniyang “X” post, sinabi ni Manalo na mariing kinukondena ng Pilipinas ang nagpapatuloy na gulo sa Israel na nagresulta sa pagkasawi ng mga kababayang Pilipino roon.

Kasunod nito, sinabi ni Manalo na handa ang Pilipinas na tumulong sa iba pang mga bansa para sa pagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan sa lugar alinsunod na rin sa prinsipyo ng UN Securtiy Council Resolutions.

Dagdag pa ni Manalo, patuloy ding aalalay ang Pamahalaang Pilipinas sa mga kababayang naiipit sa gulo sa mga bansang Israel gayundin sa Palestine. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us