Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na mas dodoblehin nila ang paghihigpit sa halalan pagsapit ng 2025.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mas makukulit at makakapal ang mukha ng mga nasa ational at local elections kaya kailangan doble higpit ang kanilang gagawing pagbabantay.
Paliwanag ni Garcia ang kanilang ginagawa ay para sa taumbyan dahil patunay ito na maaaring magsagawa ng maayos ng eleksyon ang bansa ng hindi nabababoy ang halalan.
Matatandaan na ang COMELEC ay todo higpit ngayon sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections para makasunod sa batas.
At pinapatunayan ngayon ng komisyon na seryoso sila sa kanilang ginagawang paglinis sa eleksyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng napakaraming disqualification (DQ) cases at election offense cases naman sa mga susunod na linggo. | ulat ni Lorenz Francis Tanjoco