Pag-uwi ng “urn” mula sa City Columbarium tuwing Undas, simula na bukas, ayon sa Mandaluyong LGU

Pinapayagan na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pagkuha o pag-uwi ng ‘urn” ng abo ng mahal sa buhay na nakalagak sa City Columbarium sa Garden of Life Park Cemetery simula bukas. Gaya ng nakaugalian tuwing panahon ng Undas, iniuuwi ang mga “urn” upang higit na maging personal ang pag-alala sa mga mahal na yumao.… Continue reading Pag-uwi ng “urn” mula sa City Columbarium tuwing Undas, simula na bukas, ayon sa Mandaluyong LGU

Golf at Country Club Membership dues hindi sakop ng 20% Senior Citizen discount, ayon sa SC

Sa isang desisyon ng Korte Suprema, hindi required na magbigay ng 20% Senior Citizen discount ang mga Golf at Country Club para sa membership nito. Ayon sa desisyon, na pinangunahan ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez ng First Division ng Korte, kaugnay ng kaso ng Soliman v. Santos (G.R. No. 202417). Sinasaad na ang… Continue reading Golf at Country Club Membership dues hindi sakop ng 20% Senior Citizen discount, ayon sa SC

QC lgu, nagsasagawa na ng health education sa mga residente sa barangay laban sa sakit na dengue

Patuloy ang Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance Unit (QCESU) sa isinasagawang dengue case investigation sa mga barangay sa lungsod. Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue na ikinasawi na ng anim na katao. Sa kanilang pagbisita sa komunidad,inaalam ng mga tauhan ng QCESU ang mga pinamumugaran ng lamok na… Continue reading QC lgu, nagsasagawa na ng health education sa mga residente sa barangay laban sa sakit na dengue

Nasungkit na $4.26B investment deal mula sa Saudi ni PBBM, madaragdagan pa

Pauna pa lang ang naselyohang $4.26B investment deal ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia ayon kay Speaker Martin Romualdez. Bunsod na rin aniya ito ng pahayag ni Minister of Investments ng Saudi Arabia na si Khalid Al-Falih na maraming negosyante sa kanilang bansa ang interesado na mamuhunan sa Pilipinas. “Our distinguished friends… Continue reading Nasungkit na $4.26B investment deal mula sa Saudi ni PBBM, madaragdagan pa

Mga Pinoy repatriates mula Israel, nabigyan na ng cash assistance ng DSWD

Pinagkalooban na ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang second batch ng Filipino repatriates mula sa Israel na umuwi ng bansa noong Biyernes. Binubuo ng 18 OFW ang second batch na sinalubong ng DSWD at iba pang government officials, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Hanggang kahapon,… Continue reading Mga Pinoy repatriates mula Israel, nabigyan na ng cash assistance ng DSWD

MARINA nagpahayag ng commitment sa pagpapabuti ng sea navigation safety sa ginanap na forum ng International Maritime Organization (IMO)

Muling nagpahayag ang Maritime Industry Authority o MARINA ng kanilang pangako na mapabuti ang kaligtasan sa paglalayag sa dagat sa paglahok nila sa Marine Accident Investigators’ International Forum 30 (MAIIF30) na ginanap sa International Maritime Organization (IMO) sa London kamakailan. Tinalakay sa pulong ang iba’t ibang paksa na may kinalaman sa marine safety investigation, tulad… Continue reading MARINA nagpahayag ng commitment sa pagpapabuti ng sea navigation safety sa ginanap na forum ng International Maritime Organization (IMO)

Mayon Volcano, muling nagluwa ng lava kagabi -PHIVOLCS

Muling nakitaan ng lava effusion o pagluwa ng lava ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay kagabi. Agad na nasundan ito ng lava flow at rockfall events sa Miisi at Bonga Gullies. Batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan at may… Continue reading Mayon Volcano, muling nagluwa ng lava kagabi -PHIVOLCS

Pagbubukas ng Egypt-Gaza border, pinuri ng Kabayan party-list solon

Ikinalugod ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang pagbubukas ng Egypt-Gaza border. Aniya, malaking bagay ang hakbang na ito ng international organization at mga lider para bigyang pag-asa ang mga indibidwal na kasalukuyang naiipit ngayon sa gulo sa Gaza. “We commend international organizations and great powers for… Continue reading Pagbubukas ng Egypt-Gaza border, pinuri ng Kabayan party-list solon

Climate-Smart Rice Project, ipatutupad na sa Nueva Ecija-NIA

Ipatutupad na ng National Irrigation Administration (NIA) ang Climate-Smart Rice Project sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) sa Nueva Ecija. Ayon kay NIA Acting Administrator Eddie Guillen, ipatutupad ang proyekto hanggang Disyembre 2028 na may layong makapag-ambag sa pagkamit ng seguridad at katatagan ng bigas sa bansa. Makakamit ito sa pamamagitan ng pagtaas ng… Continue reading Climate-Smart Rice Project, ipatutupad na sa Nueva Ecija-NIA

DOE-OIMB, nagbabala laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng kanilang ahensya

Naglabas ng babala ang Department of Energy-Oil Management Bureau (DOE-OIMB) patungkol sa mga mapanlinlang na gawain na may kinalaman sa isang indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado ng DOE. Ayon sa advisory na inilabas ng ahensya, isang nagngangalang Railey ang nagsasabing empleyado ng DOE at gumagamit ng mobile number na 09953266426. Si Railey umano ay nag-aalok… Continue reading DOE-OIMB, nagbabala laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng kanilang ahensya