24/7 operation ng City Epidemiology and Surveillance Unit sa Valenzuela, nilimitahan na lang sa walong oras -LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula bukas Oktubre 2, lilimitahan na ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (VCESU) ang kanilang operasyon.

Sa abiso ng Valenzuela local government unit (LGU), magbibigay na lamang sila ng serbisyo sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Ito ay mula sa dating 24 na oras na operasyon sa loob ng isang linggo o 24/7 na ipinatutupad ng LGU sa panahong dagsa ang kaso ng COVID-19.

Binago ang shifting dahil sa patuloy nang pagbaba ng COVID-19 cases sa lungsod. Batay sa huling ulat ng VCESU, nasa 23 na lang ang bilang ng COVID-19 active cases mula sa 43,935 confirmed cases sa lungsod ng Valenzuela. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us