Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr. ang send-off ceremony para sa 25 tauhan ng PNP na dineploy sa United Nations Mission in South Sudan (UNMISS).
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Acorda ang kahalagahan ng commitment ng PNP sa ‘international peacekeeping efforts’ sa pagtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
Ayon sa PNP Chief, tiwala siya na ibabandera ng 25 pulis ang watawat ng Pilipinas ng may karangalan at integridad sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Sinabi naman ni Sec. Lagdameo na malaki ang tiwala ng bansa sa 25 pulis sa pagganap ng kanilang mahalagang misyon.
Ang PNP ay may mahabang tradisyon ng pakikilahok sa UN peacekeeping missions kung saan isinusugal ng kanilang mga tauhan ang kanilang buhay para protektahan ang mga bulnerableng komunidad para itaguyod ang mga prinsipyo ng UN. | ulat ni Leo Sarne
📷: PNP-PIO