Senador Bong Go, nagpaalala sa publiko kasabay ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa

Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa, nanawagan si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga Pilipino na maging alerto at palaging iprayoridad ang kanilang kalusugan. Pinaalalahanan ni Go ang publiko, na laging tiyakin ang kalinisan sa katawan at agad na magpakonsulta sa sandaling may naramdamang hindi maganda… Continue reading Senador Bong Go, nagpaalala sa publiko kasabay ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa

MMDA Communications and Command Center, gagamitin para sa Regional Joint Security Command Center sa araw ng eleksyon

Magsisilbing command center ang MMDA Communications and Command Center para sa Regional Joint Security Command Center (RJSCC), sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30. Ito ay bilang tugon sa hiling ng Commission on Elections (COMELEC). Batay sa liham na ipinadala ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes kay Comelec Chairperson… Continue reading MMDA Communications and Command Center, gagamitin para sa Regional Joint Security Command Center sa araw ng eleksyon

Higit 4 na milyong yumaong indibidwal, nasa database pa rin ng PhilHealth

Inamin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nananatili pa ring rehistrado bilang PhilHealth members ang higit apat na milyong indibidwal na yumao na. Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na kinakailangan pa nilang linisin ang database ng ahensya. Sinabi Ledesma, na nakipag-ugnayan na sila sa Department of… Continue reading Higit 4 na milyong yumaong indibidwal, nasa database pa rin ng PhilHealth

Pagkamatay ng Grade 7 na estudyante ng RTU sa loob mismo ng paaralan, dapat bigyang prayoridad ng mga otoridad

Hiniling ni House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co na masinsinang imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng isang Grade 7 na estudyante sa loob mismo ng Campus ng Rizal Technological University (RTU). Punto ni Co, na mula nang magsimula ang on-campus in-person classes ay may ilang kaso na… Continue reading Pagkamatay ng Grade 7 na estudyante ng RTU sa loob mismo ng paaralan, dapat bigyang prayoridad ng mga otoridad

MMDA, nag-inspeksyon sa mga bus terminal sa EDSA-Cubao

Nagsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus terminal sa EDSA Cubao ngayong araw. Ito ay pinangunahan nina MMDA Traffic Discipline Director Atty. Vic Nunez at MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas. Kabilang sa mga ininspeksyon ang Five Star Bus Terminal at Baliwag Transit Bus Terminal. Ayon kay… Continue reading MMDA, nag-inspeksyon sa mga bus terminal sa EDSA-Cubao

Babaeng naaresto sa umano’y vote buying sa Navotas City, tinukoy na empleyado ng Malabon City Government

Tinukoy na ng Pamahalaang Barangay ng Longos Malabon City na ang babaeng nahuli ng Commision on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa isang raid kahapon ay empleyado ng city hall. Ayon kay Brgy. Captain Angelika Dela Cruz, nalaman nila ang nasabing babae na si Maribel Eugenio Policarpio na umano’y head ng Mayor’s Public… Continue reading Babaeng naaresto sa umano’y vote buying sa Navotas City, tinukoy na empleyado ng Malabon City Government

BJMP, handa na para sa pagboto ng mga PDL sa Lunes

Nasa 31,100 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang maaaring bumoto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Lunes (October 30). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BJMP Spokesperson Insp. Jayrex Bustinera na 29,000 sa mga ito, sa special polling precinct ng COMELEC sa loob ng mga bilangguan boboto. Magiging katuwang rin aniya… Continue reading BJMP, handa na para sa pagboto ng mga PDL sa Lunes

Pagpapasailalim ng DAP sa NEDA, ipinag-utos ng Malacañang

Ibinaba ng Malacañang ang Executive Order (EO) No. 45 na naglilipat sa Development Academy of the Philippines (DAP) mula sa Office of the President (OP) patungo sa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ito ay bilang bahagi ng rightsizing policy ng Marcos Administration. Base sa EO na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin,… Continue reading Pagpapasailalim ng DAP sa NEDA, ipinag-utos ng Malacañang

NACC at Gentle Hands, naglabas ng magkasalungat na video tungkol sa isyu ng pananakit sa mga batang nanatili sa naturang bahay ampunan

Ibinahagi sa Senado ni National Authority for Childcare Executive Director at DSWD Undersecretary Janella Estrada ang isang video footage kung saan ikinukwento ng ilang batang nasagip mula sa Gentle Hands Orphanage ang pananakit na ginagawa sa kanila. Ito ay sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tungkol… Continue reading NACC at Gentle Hands, naglabas ng magkasalungat na video tungkol sa isyu ng pananakit sa mga batang nanatili sa naturang bahay ampunan

Sinasabing kawalan ng interes ng China sa pagtulong sa infra projects ng pamahalaan, temporary setback lang — Sen. Sherwin Gatchalian

Itinuturing ni Senador Sherwin Gatchalian na temporary setback lang ang tila nawawala nang interes ng China sa pagsuporta ng mga infrastructure projects ng pamahalaan. Ayon kay Gatchalian, ang mahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin sa pakikipagkasundo sa China ay ang feasibility nito at financing. Ipinunto ng senador na kumpara sa Official Development Assistance (ODA)… Continue reading Sinasabing kawalan ng interes ng China sa pagtulong sa infra projects ng pamahalaan, temporary setback lang — Sen. Sherwin Gatchalian