Daloy ng trapiko sa NLEX, normal pa; pagbigat ng volume ng sasakyan, mamayang hapon pa mararamdaman

Hindi pa gaanong ramdam ang dagsa ng mga motoristang bumibyahe palabas ng Metro Manila para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas. Normal pa kasi ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway. Batay sa monitoring ng North Luzon Expressway – Subic-Clark-Tarlac Expressway (NLEX-SCTEX), as of 7am ay maluwag pa… Continue reading Daloy ng trapiko sa NLEX, normal pa; pagbigat ng volume ng sasakyan, mamayang hapon pa mararamdaman

PhilHealth case rate, pinatataasan ng isang mambabatas ng 20%

Nais ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre na taasan ng PhilHealth ang kanilang case rate ng 20% across the board. Ayon sa mambabatas ipinatupad ang case rate para mapadali ang reimbursement sa gastos ng healthcare providers at masigurong maibigay serbisyong medikal sa pasyente sa tamang panahon. Ngunit ang nakasanayang kalakaran na bayaran kung alin ang… Continue reading PhilHealth case rate, pinatataasan ng isang mambabatas ng 20%

EcoWaste, naglabas ng ‘Cemetery Etiquette” ngayong Undas

Muling nanawagan ang environmental group na EcoWaste sa publiko na isaalang-alang pa rin ang kalinisan ng kapaligiran maging sa pagbisita sa mga sementeryo ngayong Undas. Pangunahing paalala pa rin nito sa mga bibisita sa sementeryo, huwag magkalat at basta magtapon gaya ng upos ng sigarilyo, candy wrappers, at mga pinagkainan kung saan-saan at bitbitin ang… Continue reading EcoWaste, naglabas ng ‘Cemetery Etiquette” ngayong Undas

Panggabing byahe sa Victory Liner sa Kamias, fully booked na hanggang Oct. 31

Maraming pasahero na ang maagang nagpareserba ng kanilang biyahe pa-Norte sa terminal ng Victory Liner sa Kamias, Quezon City. Ayon sa dispatcher, fully booked na ang mga biyahe papunta ng Isabela, at Tuguegarao simula mamayang gabi, October 27 hanggang October 31. Gayunman, wala naman aniyang dapat ipag-alala ang mga pasahero dahil may mga bakante pa… Continue reading Panggabing byahe sa Victory Liner sa Kamias, fully booked na hanggang Oct. 31

Patas at makatarungang fare matrix para sa mga delivery rider, Ipinanawagan ni Sen. Hontiveros

Nakikiisa si Senador Risa Hontiveros sa pakikipaglaban ng mga Grab rider at iba pang riders sa iba’t ibang platforms para sa mas makatarungang fare matrix. Ayon kay Hontiveros, maraming dapat na ipaliwanag ang mga kumpanya na nagsasagawa ng mga mapang-abusong mga polisiya. Ipinaliwanag ng senador na sa bagong fare matrix ng Grab, ibinaba ang minimum… Continue reading Patas at makatarungang fare matrix para sa mga delivery rider, Ipinanawagan ni Sen. Hontiveros

DMW, DFA, suportado ang panukalang pagtatatag ng OFW Social and Retirement System

Nagpahayag ng suporta ang ilang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa panukala para magtatag ng isang OFW Social and Retirement System. Nilalayon ng House Bills 176, 5902, 6612, at 8574 na magkaroon ng hiwalay na social at pension system para sa mga OFW. Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac, sa… Continue reading DMW, DFA, suportado ang panukalang pagtatatag ng OFW Social and Retirement System

Sitwasyong panseguridad sa BSKE, nananatiling mapayapa sa kabila ng pagtaas ng insidente ng election related incidents — PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na nananatiling mapayapa ang pangkalahatang sitwasyong panseguridad sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng pagtaas ng insidente ng Election Related Incidents (ERI). Ang pahayag ay ginawa ni Fajardo matapos na umakyat sa 23 kahapon ang bilang… Continue reading Sitwasyong panseguridad sa BSKE, nananatiling mapayapa sa kabila ng pagtaas ng insidente ng election related incidents — PNP

Pagbuo ng polisiya para sa pagpapatatag ng presyo ng pagkain gamit ang teknolohiya, isinusulong ng NEDA

Hinikayat ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, gayundin ang mga academic institution na tumutuklas ng mga teknolohiya sa sektor ng agrikultura. Ito’y para mapagsama-sama ang mga ginagawang hakbang para makabuo ng mga polisiya para sa pagpapatatag ng presyo ng pagkain sa hinaharap. Ayon sa NEDA, bilang tagapamuno ng… Continue reading Pagbuo ng polisiya para sa pagpapatatag ng presyo ng pagkain gamit ang teknolohiya, isinusulong ng NEDA

PNP, inilagay na sa Full Alert status para sa Barangay at SK Elections

Simula alas-12:01 kaninang hatinggabi, nakataas na ang Full Alert status sa buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o BSK Elections 2023. Dahil dito, todo alerto na ang may 187,000 buong puwersa ng Pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa para tiyaking ligtas, maayos at mapayapang eleksyon. Ngayong umaga,… Continue reading PNP, inilagay na sa Full Alert status para sa Barangay at SK Elections

Dating PSG commander, pormal na nanungkulan bilang bagong AFP Civil Relations Service Chief

Pormal na nanungkulan bilang bagong Commander ng Civil Relations Service -Armed Forces of the Philippines (CRS-AFP) si dating Presidential Security Group Commander Brigadier General Ramon Zagala. Sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon na pinangunahan ni Vice Chief of Staff AFP (VCSAFP) Lieutenant General Arthur Cordura, pinalitan ni Brig. Gen. Zagala si Brigadier… Continue reading Dating PSG commander, pormal na nanungkulan bilang bagong AFP Civil Relations Service Chief