Nasungkit ng pitong lungsod sa Metro Manila ang pwesto sa Top 10 Highly Urbanized Cities sa bansa sa pinakabagong Cities and Municipalities Competitiveness Index rankings na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa tala, nakuha ng Lungsod Quezon ang Top 1 spot, na sinundan ng Pasay City at Manila City para sa 3rd spot.
Nasa ikalimang pwesto naman ang Muntinlupa habang nasa magkakasunod na pwesto sa 8th place ang Makati, 9th place ang Pasig, at 10th place ang Valenzuela.
Ayon sa DTI, ang ranking ng mga lungsod at mga munisipalidad ay batay sa limang haliging itinakda ng ahensya kabilang ang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.
Sa mensaheng ibinigay ni DTI Secretary Fred Pascual, kinilala nito ang malaking ambag ng mga lungsod at komunidad bilang pundasyon ng lipunan. Sagisag umano ang mga ito ng kultura, mga mithiin, at collective spirit ng bansa.
Maliban sa Top 10 Highly Urbanized Cities, ilang categories pa ang makikita sa rankings na inilabas ng DTI. Para sa buong listahan maaring magtungo sa website ng Cities and municipalities competitiveness index sa cmci.dti.gov.ph. | ulat ni EJ Lazaro