Inilabas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakuha nilang Maritime Traffic Data na nagpapakita ng pagbangga ng isang oil tanker vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda, sa Bajo de Masinloc na ikinamatay ng tatlong katao.
Mismong si Philippine Coast Guard Spokesperson Rear Admiral Arman Balilo ang nagbahagi ng video sa mga mamamahayag.
Sa naturang insidente, ipinakita doon kung papaanong binangga ng oil tanker na Pacific Anna ang mga mangingisda.
Alas-4:20 ng umaga noong October 2 nang mangyari ang insidente, sa 85 nautical miles ng Bajo de Masinloc at 180 nautical miles ng Agno Pangasinan.
Nag-aahon ng payao ang mga mangingisda sakay ng kanilang bangka na FFB Dearyn nang sila ay banggain ng Pacific Anna, na pag-aari Marshall Islands.
Agad nagtalunan ng bangka ang mga mangingisdang Pinoy, at makalipas ang ilang minuto ng insidente ay nakitang patay na ang dalawang crew at ang kanilang kapitan.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PCG sa insidente, at pag-aaralan ang susunod na. | ulat ni Michael Rogas