Lumagda sa memorandum of understanding (MOU) ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang tatlong malalaking recruitment association sa bansa.
Layon ng naturang kasunduan na isulong ang ethical at fair recruitment para sa overseas Filipino worker (OFW).
Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac ang paglagda kasama ang ilang opisyal ng ahensya at mga kinatawan ng tatlong recruitment association, na EC-ANZAEPP, PEACEME, at JEPPCA.
Sa talumpati ni Cacdac, sinabi nitong bumalik na rin sa pre-pandemic level ang deployment ng mga OFW ngayong taon matapos makapagtala ng pagtaas sa land-based at sea-based deployment ng mga OFW.
Tiniyak ng DMW, na patuloy na makikipagtulungan sa mga recruitment associations upang malabanan ang illegal recruitment at panloloko sa mga OFW. |ulat ni Diane Lear