Deployment ng OFWs sa Israel, pansamantala munang ipinatigil – DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantala munang ipinatigil ang pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Israel.

Ito ay habang nagpapatuloy ang giyera sa naturang bansa kasunod ng pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, na hindi muna magpapadala ng mga OFW sa Israel dahil sa sitwasyon doon at sarado rin ang mga paliparan.

Bagamat wala pa naman aniyang ipinatutupad na deployment ban, pero nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Israeli Labor and Immigration Authorities kung maaari na muling magpadala ng mga OFW.

Partikular na ide-deploy ang mga OFW na nagtatrabaho sa mga hotel.

Ayon kay Cacdac, nasa 1,800 na OFW hotel workers ang ipinapadala ng Pilipinas sa Israel kada taon o katumbas ng mahigit 100 OFW kada buwan.

Samantala, pinapaalalahan ang mga Pilipino sa Israel na patuloy na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy at sa mga Filipino community doon, at sumunod sa abiso ng Home Front Command. | ulat ni Dinae Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us