33% ng mga Pinoy, naniniwalang bumuti ang kalidad ng buhay — SWS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang 33% ng mga Pilipino na bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay kung ikukumpara noong nakalipas na 12 buwan, batay yan sa survey ng Social Weathers Stations (SWS).

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 29% na resulta ng kaparehong survey na isinagawa noong Marso.

Sa survey na isinagawa mula June 28-July 1, bumaba rin sa 22% ang nagsabing lumala ang kondisyon ng kanilang pamumuhay ngayong taon.

Samantala, 45% naman ang naniniwalang walang nagbago o parehas lang ang kalidad ng kanilang pamumuhay ngayon kung ikukumpara sa nakalipas na 12 buwan.

Nagresulta naman ito ng anim na net gainers score na mas mataas kumpara sa puntos noong Marso ng 2023.

Gayunman, pitong puntos pa rin itong mas mababa kung ikukumpara sa pre-pandemic level na very high o +18 noong fourth quarter ng 2019.

Kung hihimayin naman ang mga datos sa rehiyon ay malaki ang itinaas sa bilang ng mga Pinoy na gumanda ang kalidad ng buhay sa Metro Manila.

Ito ay nakapagtala ng net gainers na +18 mula sa +2 noong Marso.

Malaki rin ang itinaas sa Visayas na mula sa mediocre ay naging very high ang net gainers score habang nananatili rin itong mataas sa Balance Luzon at Mindanao.

Isinagawa ang Second Quarter 2023 Social Weather Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults (18 years old and above) nationwide.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us