Nirirespeto ng Malacañang ang pag-alala sa EDSA People Power Revolution at ang kahulugan ng kaganapang ito.
Gayunpaman, pumatak ang February 25, 2024 sa araw ng Linggo kaya’t hindi na ito isinama sa opisyal na listahan ng 2024 special non-working days.
Ayon sa Office of the President (OP), mayroong minimal socio-economic impact ang pagdi-deklara ng February 25 bilang special non-working day, lalo’t natapat ito sa rest day ng karamihan sa mga manggagawa sa bansa.
Kung matatandaan, ngayong araw, inilabas ng Palasyo ang opisyal na listahan ng mga petsa sa 2024 na walang pasok.
Nasa 10 ang regular holiday habang walo naman ang special non-working days.
Sa ilalim ng Proclamation No. 368, regular holidays ang mga sumusunod:
Jan. 1 New Year’s Day
March 28 Maundy Thursday
March 29 Good Friday
April 9 Araw ng Kagitingan
May 1 Labor Day
June 12 Independence Day
Aug. 26 National Heroes Day (Last Monday of August)
Nov. 30 Bonifacio Day
Dec. 25 Christmas Day
Dec. 30 Rizal Day
Special (non-working) days naman ang mga sumusunod:
Aug. 21 Ninoy Aquino Day
Nov. 1 All Saints’ Day
Dec. 8 Feast of the Immaculate Conception of Mary
Dec. 31 Last Day of the Year
Feb. 10 Chinese New Year
March 30 Black Saturday
Nov. 2 All Souls’ Day
Dec. 24 Christmas Eve
“The proclamations declaring national holidays for the observance of Eid’l Fitr and Eid’l Adha shall hereafter be issued after the approximate dates of the Islamic holidays have been determined in accordance with the Islamic calendar (Hijra) or the lunar calendar, or upon Islamic astronomical calculations, whichever is possible or convenient,”—Proclamation 368. | ulat ni Racquel Bayan