600 pulis, sinasanay para maging Board of Election Inspectors sa Barangay at SK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinasanay ng Commission on Elections (COMELEC) ang 600 pulis para maging Board of Election Inspectors (BEIs).

Ito ay bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa October 30.

Itatalaga ang mga pulis sa Bangsamoro Autonomous Region kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga lugar na klasipikado sa Red category dahil sa naitalang karahasan.

Ang hakbang ay bahagi ng contingency plan ng COMELEC at Philippine National Police (PNP) kung sakaling may mga guro na hindi magsilbing BEIs dahil sa takot sa kanilang seguridad.

Puspusan naman ang ginagawang paghahanda ng PNP upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng halalan sa bansa.

Nagpapatuloy din ang information campaign ng COMELEC at Department of Interior and Local Government (DILG) upang malabanan ang pagbili at pagbebenta ng boto. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us