61 electric cooperatives, nakaranas ng power interruption habang ginaganap ang BSKE – NEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Animnaput-isa (61) sa kabuuang 99 electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nakaranas ng power interruptions sa pagitan ng alas 5:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.

Sa ulat ng National Electrification Administration (NEA) Power Task Force Election 2023, kabuuang 162 interruptions ang naitala na may average duration ng 56.22 minutes.

Ngayong hapon, may 7 ECs ang isinasailalim sa power restoration kabilang ang ALECO, BATELEC II, COTELCO, ESAMELCO, FIBECO, ILECO I, at LEYECO V.

Nasa 6 polling centers ang naapektuhan ng power interruption.

Samantala, balik na sa normal na operasyon ang mga ECs na unang isinailalim sa restoration activities na kinabibilangan ng MASELCO, CEBECO III, PALECO, OMECO, at CENPELCO.

Sa panig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hanggang alas 5 ng hapon kanina, nanatiling nasa normal na operasyon ang kanilang transmission lines at facilities.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us