8.4% na pagbaba ng index crime volume, ibinida ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagbaba ng 8.4% ng bilang ng mga kaso ng Index Crime mula January hanggang October 15 ng taong ito kumpara sa nakalipas na taon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kasunod ng Command Conference kahapon, sinabi ni Acorda na ang pagbaba ng krimen ay nagsisilbing “groundwork” para masiguro ang mapayapa at maayos na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Samantala, iniulat din ng PNP chief na nakapagtala ang PNP ng 85 insidente kaugnay ng papalapit na BSKE.

Ayon kay Acorda, 15 insidente ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan.

Sa nasabing bilang, 11 ang pamamaril, dalawang kidnapping, isang grave threat, at isang indiscriminate firing.

Habang nabiktima ang anim na incumbent barangay captains, isang incumbent barangay councilor, dalawang kandidato sa pagka-barangay captain, apat na kamag-anak ng kandidato, isang tagasuporta ng kandidato, at apat na sibilyan.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us