80% ng mga pampublikong transportasyon, mapaparalisa sa ikakasang tigil-pasada sa Lunes — Manibela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang grupong Manibela na kaya nitong paralisahin ang 80% ng transportasyon sa Metro Manila sa Lunes sa gagawin nilang tigil-pasada.

Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan.

Ani Valbuena, gabi pa lang ng Linggo ay mararamdaman na ang kawalan ng mga pampasaherong jeepney.

Sisimulan ng grupo ang tigil pasada sa UP-Philcoa, kung saan magkakaroon ng caravan patungong tanggapan ng LTFRB.

Ang iba namang makikilahok sa Norte at Katimugang Luzon ay magtitipon-tipon sa Mendiola.

Papalibutan umano nila ng isang libong sasakyan ang Malacañang.

Para naman sa mga malalaking grupo ng transportasyon na minamaliit umano ang kanilang grupo, giit ni Valbuena abangan na lang ang mga mangyayari sa Lunes bilang pagtutol sa PUV Modernization Program. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us