87 sundalo ng 3rd Infantry Division, sinabitan ng medalya sa matagumpay na laban kontra sa teroristang komunista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginawaran ng medalya ni Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo ang 87 sundalo ng 3rd Infantry “Spearhead” Division ng Philippine Army para sa kanilang matagumpay na kampanyan laban sa mga teroristang komunista sa Panay.

Ang pagpaparangal ay kasabay ng pagbisita kahapon ni Lt. Gen. Arevalo sa 301st Infantry Brigade Headquarters sa Camp Hernandez, Dingle, Iloilo.

Walong sundalo ng 31st Division Reconnaissance Company ang ginawaran ng Gold Cross Medal; habang 79 na tauhan ng 301st Infantry Brigade, 61st, 82nd, at 12th Infantry Battalions ang nakatanggap ng Silver Cross Medals.

Nauna rito, binisita ni Lt. Gen. Arevalo ang 3rd Infantry Division Headquarters sa Camp Peralta, Jamindan, Capiz, kung saan kanyang iprinisinta ang Gawad sa Kaunlaran award kay 3ID Commander Maj. Gen. Marion Sison at iba pang matataas na opisyal ng 3ID, gayundin sa mga tauhan ng 61st Infantry Battalion.

Ito ay bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa mga socio-economic at iba pang non-combat programs ng Armed Forces of the Philippines (AFP).  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us