921 pamilya sa Camalig, Albay, balik na sa kanilang mga tahanan matapos ang apat na buwang pananatili sa evacuation center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa kanilang mga normal na pamumuhay ang 921 pamilya sa bayan ng Camalig Albay matapos ang mahigit apat na buwang pananatili sa evacuation center simula nang mag-alburoto ang Bulkang Mayon nitong Hunyo.

Matapos maglabas ng kautusan ang Pamahalaang Panlalawigan ukol sa decampment ng mahigit dalawang libong pamilya sa Albay ay agad na nag-empake ang Mayon evacuees. Kasunod nito ang pagpapapatupad ng mga Local Chief Executives sa mga bayan para pangunahan ang nasabing decampment.

Sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan ng Camalig, tanging 921 mula sa 1,030 pamilya lamang ang pinayagang makabalik sa kanilang mga tahanan. Katumbas nito ang 3,240 na indibidwal mula sa tatlong barangay.

Samantala, ang natitirang 59 pamilya o 225 indibidwal ay hindi pinayagang bumalik dahil pasok ang kanilang mga tahanan sa 6km radius Permanent Danger Zone.  Lahat sila ay mula sa Barangay Anoling. 

Nagbigay rin ng relief goods na aabot sa anim na araw si Camalig Mayor Caloy Baldo Jr. para sa mga evacuees. Bukod rito, balik na rin sa face-to-face class ang pitong elementary schools sa bayan, epektibo bukas.

Sa ngayon, nakataas pa’rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon dahil may mga naitatala pa ring Pyroclastic Density Current event o mga tinatawag na “uson.” | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us