AFP Chief, nakiisa sa sambayanan sa paggunita ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pakikiisa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa buong bansa paggunita ng Undas.

Sinabi ng AFP Chief na ang panahong ito ay panahon para magbigay galang sa mga Santo at gunitain ang mga namayapang mahal sa buhay.

Pagkakataon din aniya ito para bigyang parangal ang legasiya, alaala at kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Dapat aniyang samantalahin ang oportunidad para buhayin ang commitment sa paglilinkod sa kapwa, at pahalagahan ang buhay at kalayaan, habang kumukuha ng inspirasyon sa natatanging nagawa ng mga yumao na. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us