AFP, sumuporta sa pahayag ni ex-justice Carpio kontra sa “indisputable claim” ng China sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang “indisputable”.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar bilang pagsuporta sa pahayag ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio kontra sa sinabi ng China na kanilang “indisputable claim” sa Ayungin Shoal, sa Spratly Islands at Panatag o Scarborough Shoal.

Ayon kay Col. Aguilar, ang pahayag ni Carpio na suportado ng ebidensya at mga dokumento ay mahalaga para mabago ang “narrative” sa malawakang pag-aangkin ng China sa WPS.

Sa pahayag ni Carpio, kanyang hinamon ang China na kung talagang kumpiyansa sila sa kanilang ligal na titulo sa Spratly Islands at Scarborough Shoal laban sa Pilipinas, dapat nilang iharap ang kanilang pag-aangkin sa arbitration sa International Court of Justice alinsunod sa UN Charter.

Banat ni Carpio, ang estado na alam na mahina ang kanilang posisyon ay sadyang iiwas sa arbitration. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us