Tiniyak ng abugado ng Alpha Assistenza, ang kumpanya na sinasabing nag-recruit at humingi ng pera sa daan-daang indibidwal, na lalabas ang katotohanan sa isyu ng recruitment scam.
Ayon sa abugado na nagpakilalang Atty. Charlie Pascual, nagpunta siya sa tanggapan ng Department of Justice para mag-manifest na sila ay makikibahagi sa nangyayaring imbestigasyon sa reklamo.
Paliwanag nito, masyado nang maraming maling impormasyon ang kumakalat sa media at panahon na aniya para tuldukan ito.
Binigyang diin rin ng abugado na walang kinalaman ang kanyang kliyente na si Krisel Respiscio ng Alpha Assistenza.
Matatandaang daan-daang indibidwal ang sinasabing pinangakuan ng naturang kumpanya ng trabaho sa Italya at hiningan ng pera subalit hindi naman ito natupad. | ulat ni Lorenz Tanjoco