Sa pagsisimula ng pangangampanya ngayong araw, Oktubre 19, hanggang sa mismong araw ng halalan para sa Barangay and Sanguniang Kabataan Elections 2023, mahigpit na binabantayan ng Provincial Joint Security and Control Center ang apat na lugar sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Michael Camangeg, kabilang sa mga lugar na ito ang mga bayan ng Aparri, Rizal, Baggao, at Gattaran.
Paliwanag ni Camangeg, tinututukan nila ang mga lugar na ito para walang anumang mangyayaring hindi maganda, lalo at ang sitwasyon sa bayan ng Aparri ay ikinokonekta sa pagkamatay ng dati nitong bise-alkalde na posible umanong mapalawig ang away sa mga supporter.
Ang sitwasyon naman sa tatlong bayan ay dahil sa presensiya ng Communist Terrorist Group.
Bagamat sa kasalukuyan ay hindi naman, aniya, banta ang presensiya ng NPA sa halalan sa probinsiya, at nananatili pa ring mapayapa ang election period hanggang sa kasalukuyan. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao