Aplikasyon ng Student Permit at Drivers License, target nang gawing full digital ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tina-target ng Land Transportation Office (LTO) na gawin nang full digital mode ang aplikasyon ng Student Permit, Driver’s License, at maging ang renewal nito.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, puspusan na sila sa pagsusulong ng digitalisasyon sa ahensya bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Punto nito, sa pamamagitan nito, mababawasan na ang face-to-face transactions sa ahensya na kadalasang pinagmumulan ng fixers.

Naniniwala si Mendoza na magiging epektibo ang teknolohiya upang mapuksa ang korupsyon sa lahat ng transaksyon sa ahensya.

Sa ngayon, pinapalakas na ng LTO ang information dissemination para mas mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.

“Our aggressive efforts are in line with the instruction of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to our Department of Transportation Secretary Jaime Bautista to find ways to implement 100% digitalization for effective and efficient government service,” pahayag ni Asec. Mendoza.

Ayon kay Mendoza, nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.

“We are putting everything together or trying to put connectivity in place to make it seamless. This is already being done for Motor Vehicle Registration and hopefully, we can do that on Driver’s License in the soonest possible time,” ani Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us