Aquaculture at Post Harvest Development, tampok sa 10th Fisheries Scientific Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsamasama ang mga researcher at mga estudyanteng nangangarap na maging scientist sa ika-10 Fisheries Scientific Conference na idinaos sa Marikina Convention Center ngayong araw.

Layunin ng biennial conference na mapag-usapan ang food security, tamang nutrisyon at kung paano pa mapalalakas ang sektor ng pangingisda.

Pinangunahan ni Department of Agriculture Undersecretary at National Fisheries Research and Development Institute Chairperson Drusila Esther Bayate ang conference kung saan sya ang kumatawan kay DA Senior Usec. Domingo Panganiban.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Bayate ang mahalagang papel ng mga researcher sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng bansa pagdating sa pagkain.

Ngayong taon, highlight ng conference ang pagtalakay sa mga development sa aquaculture, pagpapaganda ng post harvest techniques at iba pa.

Kanya namang tiniyak ang suporta ng NFRDI sa mga researcher at hinikayat ang mga ito na gamitin ang kanilang kaalaman sa paglilingkod sa bayan.

Tatagal hanggang bukas ang conference kung saan magkakaroon din ng thesis presentation ang mga estudyante. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us