Babaeng naaresto sa umano’y vote buying sa Navotas City, tinukoy na empleyado ng Malabon City Government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy na ng Pamahalaang Barangay ng Longos Malabon City na ang babaeng nahuli ng Commision on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa isang raid kahapon ay empleyado ng city hall.

Ayon kay Brgy. Captain Angelika Dela Cruz, nalaman nila ang nasabing babae na si Maribel Eugenio Policarpio na umano’y head ng Mayor’s Public Assistance and Service ng Malabon City Government.

Ikinalungkot din ni Dela Cruz, na ang ilan sa mga nahuli na gagawing watchers ay kanyang mga constituent sa Barangay Longos Malabon City.

Kaya naman, umaapela sya sa kanyang mga nasasakupan na huwag magpapasilaw sa pera kapalit ng kanilang boto.

Si Policarpio ay inaresto kahapon ng Comelec at Navotas City PNP sa isang warehouse dahil sa pamamahagi ng tig P300 at P500.

Nakuha din sa kanya ang mahigit P300,000 na cash money at listahan ng mga botante.

Pero depensa ni Policarpio sa mga pulis, training ng mga watcher ang naturang pagtitipon at hindi vote buying. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us