Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. at Senador Francis Tolentino ang pagpapasinaya ng bagong-tayong Naval Detachment sa Mavulis Island, Itbayat, Batanes kahapon.
Ang makasaysayang aktibidad na pinangasiwaan ni Naval Forces Northern Luzon (NFNL) Commander Commodore Francisco Tagamolila, ay dinaluhan nila Northern Luzon Commander Lieutenant General Fernyl Buca, Batanes Governor Marilou Cayco at iba pang matataas na opisyal sa rehiyon.
Ang bagong Naval Detachment Mavulis ay itinayo ng Philippine Navy sa tulong ni Senador Tolentino, na siyang chairperson ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty.
Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, binigyang-diin ni Sen. Tolentino ang kahalagahan ng pagpapalakas ng Maritime security ng bansa.
Ang bagong Naval Detachment Mavulis ay inaasahang magkakaroon ng malaking papel sa pagtataguyod ng Maritime law at pagsulong ng Maritime interests ng Pilipinas sa hilagang karagatan ng bansa. | ulat ni Leo Sarne