Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, bibisita sa Laguna sa darating na Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa Laguna naman isasagawa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

Batay sa anunsyo ni Laguna 2nd District Representative Ruth Mariano Hernandez, idaraos ang BPSF sa November 4 at 5.

Pangunahing serbisyong dadalhin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay may kaugnayan sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura.

Ilan sa mga ito ang pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, Farmers, and Fisherfolk Enterprise Development Information System at National Coconut Farmers Registry System.

Mayroon ding KADIWA Market at pamamahagi ng NFA rice, palay, at binhi.

Magkakaroon din ng training tungkol sa soil fertility, post harvest, at crop and livestock pest and disease management.

Maaari naman pumunta sa bagongpilipinastayo.com para magparehistro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us