Nakarating na sa kanilang tahanan sa Cadiz City, Negros Occidental ang bangkay ng Negrense overseas Filipino worker (OFW) na isa sa mga nasawi sa sorpresang pag-atake ng Hamas militants sa Israel ngayong buwan.
Kung matatandaan, noong Oktubre 22 dumating sa probinsiya ang bangkay ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre at dinala sa punerarya.
Mula sa punerarya ay nagkaroon ng prusisyon patungo sa kanilang bahay sa Brgy. Cadiz Viejo at nagsagawa ng hero’s welcome, misa at programa.
Kasama rin sa programa sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, OWWA RW0-6 regional director Rizza Joy Moldes, Mayor Salvador Escalante Jr. ng Cadiz City, at Mari June Castro, executive assistant ni Gov. Bong Lacson.
Sinabi ni Aldia Grace Buñi, Labor Communication Officer ng OWWA RWO-6 na itinurn-over ng OWWA ang P50,000 cash assistance at nangako si Ignacio na tatapusin niya ang pagsasaayos ng kusina at palikuran na pangarap ni Alacre.
Dagdag pahayag ni Buni na sinagot ng OWWA ang lahat ng gastusin sa libing hanggang sa nakatakdang libing sa Nobyembre 5. l ulat ni Merianne Grace Ereneta | RP1 Iloilo