Barangay at SK Elections, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kuntento ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa naging latag ng seguridad gayundin sa maghapong pagbabantay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections kahapon.

Ito’y sa kabila ng mga naitala nilang insidente mula sa iba’t ibang panig ng bansa gaya ng pamamaril, pamimili ng boto, pananakot, at iba pa.

Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr, mula sa pagbubukas ng mga presinto hanggang sa maiproklamang ganap ang mga nanalo, naipakita ng mga Pilipino ang kanilang pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong mamumuno sa kanilang komunidad.

Kasunod naman nito, nagpaalala si Acorda sa mga nanalo na huwag sayangin ang tiwalang ibinigay sa kanila ng taumbayan at suklian ito ng tapat gayundin ng maayos na serbisyo.

Para naman sa mga nahalal na Kabataan, sinabi ng PNP chief na dapat magsilbi silang inspirasyon at maging buhay na paalala sa lahat na kailangang paglingkuran ang bayan nang may pagmamahal at buong katapatan.

Samantala, matapos naman ang BSKE, sinabi ng PNP na mananatili naman ang Full Alert Status para naman sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa mga yumaong mahal sa buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us