Batangas solon, hiniling sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa Israel at Gaza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakokonsidera ni Batangas Representative Jerville Luistro sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa mga kababayan nating Pilipino sa Israel at Gaza.

Sa ikinasang briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs tungkol sa sitwasyon sa Israel, sinabi ni Luistro na kung pagbabatayan ang international news reports ay masasabi na ang mga pag-atake ay indiscriminate at maaaring tamaan ang kahit sino, kabilang na ang mga Pilipino.

Kaya aniya dapat ay iakyat na sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Israel at Gaza Strip upang maging mandatory o sapilitan ang pagpapauwi sa ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, kapwa nasa Alert Level 2 ang Israel at Gaza, ngunit ang Embahada ng Pilipinas sa Amman, Jordan na siyang may sakop sa Gaza ay inirekomenda na ang pag-akyat sa Alert Level 3 dahil mayroong 70 Pilipino na ang nagpahayag na gustong magpa-repatriate.

Habang sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), may 23 na nais nang umuwi mula naman sa Israel.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang repatriation ay voluntary.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us