BDO, pinagbabayad ng Korte Suprema ng ₱8-M matapos payagang mag-withdraw ang hindi awtorisadong empleyado ng isang kumpanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inutusan ngayon ng Supreme Court ang Banco de Oro Universal Bank, Inc. o BDO na bayaran ng P8 milyon ang isa nilang depositor.

Ito’y matapos magreklamo ang kanilang kliyente na si Liza Seastres dahil pinayagan ng naturang bangko na makapag-withdraw ang empleyado nito ng wala niyang pahintulot.

Sa 19 pahina na desisyon ng Third Division na sinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, ibinasura nito ang Petition for Review on Certiorari na inihain ng BDO at mga opisyal nito na sina Vivian Duldulao at Christine T. Nakanishi.

Ang petisyon ng BDO ay base sa naging ruling ng Court of Appeals at Regional Trial Court ng Makati City.

Base sa record ng korte, taong 2012 nang magkaroon ng P8 million withdrawal sa account ni Seastres matapos itong payagan ng mga opisyal ng BDO Rufino Branch.

Pinayagan umano ng nasabing bangko na makapag-withdraw ang isang Annabelle Benaje, na tumatayong Chief Operating Officer ng Las Management and General Services Inc., na pag-aari ng petitioner.

Aminado ang petitioner na may ibinigay silang bank authorization sa kanilang COO pero ito ay limitado lamang sa pag-deposito, pag-inquire, pag-pick up at pag-print out at hindi sakop ang pag-withdraw.

Sabi ng SC, bilang isang bangko, dapat raw ay naging maingay ang BDO sa anumang mga transaksyon nito para mapangalagaan ang interes ng kanilang mga depositor.

Dahil dito, pinasasauli ng Korte Suprema sa BDO ang P8 milyon na na-withdraw, bukod pa sa 40% na actual damages na babayaran ng bangko habang ang 60% ay babayaran ng mga nasangkot na empleyado | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us