Nagpahayag ng pagkabahala si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na posibleng lumala ang tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hamas at mauwi sa mas malaking gulo sa Middle East.
Tinukoy ng mambabatas ang pahayag ng White House national security officials kung saan maaaring lumawak ang kaguluhan sa Middle East kung makikisali na rin ang Lebanese group na Hezbollah o Iran.
“Time is obviously running out as the conflict could turn from bad to worse in a matter of hours or days,” ani Villafuerte.
Bunsod nito kaisa si Villafuerte sa panawagan na buksan na ang humanitarian corridors sa Southern Gaza upang makalikas na ang mga sibilyan kasama ang ating mga overseas Filipino worker (OFW).
“I am one with those calling for the opening of a humanitarian corridor in southern Gaza—as spearheaded by the UN (United Nations) or other international institutions—to get all innocent civilians, most especially our OFWs, out of harm’s way before the Israeli defense forces mounts its announced land incursion into the Hamas-controlled Gaza City on the northern part of this Palestinian enclave,” dagdag ng kinatawan.
Ang Rafah crossing ang magsisilbing ‘exit’ point ng mga lilikas na nasa border ng Egypt at Gaza.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroon 131 na Pilipino sa Gaza Strip, na pawang mga residente na.
Nasa 78 sa mga ito ang nasa Rafah border crossing habang ang 30 ay nasa southern part ng Gaza at ang nalalabi ay nasa northern Gaza o sa Gaza City. | ulat ni Kathleen Jean Forbes