Bidding para sa magsusuplay ng Drivers License cards sa 2024, nais pabilisin ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi na ng pahintulot ang Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) para agad nang masimulan ang bidding process sa Driver’s License cards para sa taong 2024.

Ito ay sa gitna na rin ng inisyung preliminary injunction ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 na inaasahang magpapa-delay muli sa pag-iisyu ng plastic license cards ng ahensya.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, hihilingin nito sa DOTr na masimulan na ang proseso ng pag-bid sa magsusuplay ng license card sa susunod na taon nang agad ring mai-award ito pagtuntong ng Enero.

Paliwanag nito, mayroong 4.6 milyong license cards ang planong iisyu ng ahensya sa ilalim ng 2024 budget.

Oras na matuloy ito, matutugunan aniya ang hanggang siyam na buwang pangangailangan sa lisensya kasama pa ang backlog.

Bukod sa pagpasok ng panibagong card supplier, pinag-aaralan na rin ng LTO ang pagpasok sa government to government contract na ibibigay sa National Printing Office.

Maging ang pag-iisyu ng electronic drivers license ay inaasikaso na rin aniya ng LTO technical working group para sa long term solution sa problema sa license cards. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us