Batay sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa anim ang kumpirmadong nawawala at isa naman ang naiulat na dinukot ng grupong Hamas sa bansang Israel.
Patuloy naman na kino-contact ang Pilipinong nawawala gamit ang kanyang contact number ngunit hindi ito makontak kabilang na ang anim na nawawala.
Samantala, umabot na sa 1,100 ang naiulat na namatay sa patuloy na kaguluhan at libo-libo na ang naiulat na sugatan sa naturang insidente. | ulat ni AJ Ignacio