Sumampa na sa 19,084 ang bilang ng sari-sari store owners at micro rice retailers na nakabenepisyo sa Sustainable Livelihood Program (SLP) cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ulat ng DSWD, as of October 2, ay aabot na sa P286.26 milyon ang halaga ng SLP cash aid na naipaabot nito sa mga magbibigas na naapektuhan ng price ceiling sa well-milled at regular-milled rice.
Kapwa nakatanggap ang mga micro rice retailer at sari-sari store owners ng tig-₱15,000 sa ilalim ng programa.
Ayon naman kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications and DSWD Spokesperson Romel Lopez, nasa 78% nang kumpleto ang pamamahagi ng SLP cash aid.
Sa ngayon, patuloy aniyang sinisikap ng kagawaran na matapos na ang distribusyon nito sa natitirang 5,400 na benepisyaryo sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD