Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidy sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers na naapektuhan ng walang prenong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa tala ng ahensya, as of October 11, umakyat na sa 120,496 units ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap ng fuel subsidy.
Ito ay sa ilalim pa rin ng Fuel Subsidy Program (FSP) ng Department of Transportation (DOTr) upang matulungan ang mga operator at tsuper.
Ayon sa LTFRB, may katumbas na halaga na aabot sa ₱787.4-million ang naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Samantala, kinikilala naman ng ahensya ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Land Bank of the Philippines (LBP) tungo sa mas maayos at epektibong pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng naturang programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa