Halos nangangalahati pa lang ang pagbibilang ng boto sa Barangay Pasong Tamo na naging automated ang election bago pa makapagroklama ang barangay electoral board ng mga nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Mayroong 133 na polling precints na kailangang bilangin mula sa Pasong Tamo Elementary School, Judge Feliciano Belmonte Senior High School, at sa CBE Town Covered Court.
Isa-isa nang tinatanggap ng Barangay Election Board of Canvassers ang mga automated election returns.
Bago nagsimula ang bilangan kanina ay dumating si COMELEC Commissioner Marlon Cascuejo kasama ang mga international observers mula sa Maldives, Uzbeskistan, South Korea at Georgia.| ulat ni Rey Ferrer