Sa ikawalong sunod na buwan, ay muling naitala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 100% na compliance rating nito sa 8888 Citizens’ Complaint Center (8888 CCC).
Batay sa report ng 8888, lumalabas na mula Enero hanggang nitong Agosto ay umabot sa 962 citizens concerns ang natanggap ng ahensya na lahat ay naresolba sa loob ng 72-hour compliance period.
Dahil dito, nakamit ng BIR ang mataas na rating hindi lang compliance kundi maging sa resolution rate.
Welcome naman kay BIR Commissioner Romeo Lumagui ang resultang ito na aniya ay testamento ng commitment ng ahensya na makapaghatid ng mabilis at epektibong solusyon sa mga taxpayer.
“Consistently achieving 100% Compliance and Resolution Rates within the 72-hour prescribed period is a testament to the BIR’s commitment to delivering swift and effective solutions to the concerns of taxpayers,” ani Lumagui. | ulat ni Merry Ann Bastasa