Itinuring ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na normal ang sitwasyon sa Metro Manila sa gitna ng transport strike na isinagawa ng grupong MANIBELA.
Batay sa assessment mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Abalos na ang epekto ng transport strike ay hindi naman gaano nakaapekto sa commuters.
Ito aniya, ay dahil sa pangako ng mayorya ng mga lider ng jeepney transport groups na hindi sasama sa tigil pasada ng Manibela.
Sinabi pa ng DILG Chief, ang napakaliit na epekto ng transport strike ay dahil na rin sa mga paghahandang ginawa ng iba’t ibang ahensya tulad ng MMDA, Department of Transportation, Land Transportation Office, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board. | ulat ni Rey Ferrer