Naglunsad ang Philippine Red Cross (PRC) at Red Crescent Societies ng blended learning program kaugnay sa pagbibigay ng First Aid at Basic Life Support, sa PRC Logistics sa Mandaluyong City ngayong araw.
Ito ay bahagi ng pinalawig na selebrasyon ng PRC sa World First Aid Day, na ipinagdiriwang tuwing ikalawang Sabado ng Setyembre ng Red Cross at Red Crescent Movement sa buong mundo.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, mahalaga sa mga kabataan at mga adult ang first aid education na ngayon ay ‘one device away’ na lang.
Sa isalalim ng naturang programa, maaaring matuto ang isang indibidwal sa pagbibigay ng first aid dahil sa pinagsamang digital at face-to-face learning methods ng PRC.
Ani Gordon, ang paglulunsad ng blended learning program ay bahagi ng layunin ng PRC na magsanay ng mga first aider sa bawat pamilya.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 120,000 na mga first aider ang sumailalim sa training ng PRC simula January hanggang October 15, 2023. | ulat ni Diane Lear