Handang-handa ang Brgy. Pasong Tamo sa pagsasagawa ng automated Barangay at SK elections sa darating na Lunes, October 30.
Kasunod ito ng maayos na final testing at sealing ng mga balota at Vote-Counting Machine na isinagawa ngayong araw sa Pasong Tamo Elementary School.
Ayon kay COMELEC QC District 6 Election Officer Atty. Zennia Ledesma-Magno, maayos ang itinakbo ng proseso ng final testing kung saan walang naging malaking aberya sa mga pinaganang VCM.
Dagdag pa nito, may nakahanda silang higit 200 contigency VCM na ipapalit sakaling may masirang voting machine sa mismong araw ng halalan.
Inaasahan naman ni Atty. Magno na maagang matatapos ang eleksyon sa Brgy. Pasong Tamo at maaaring may maiproklama agad ang nanalo kinahapunan.
Nasa higit 66,000 na botante ang inaasahang lalahok sa BSKE sa Brgy. Pasong Tamo.
Mayroon itong tatlong voting centers at 133 na clustered precincts. | ulat ni Merry Ann Bastasa