Generally peaceful ang pagdaraos ng barangay at SK elections (BSKE) sa Iloilo City. Ito ang assessment ng Iloilo City Police Office (ICPO) sa pagsara ng botohan alas 3 kaninang hapon.
Ayon kay ICPO Director Joeresty Coronica, wala silang naitalang election-related violence sa lungsod sa araw ng botohan.
May mga natanggap silang report ng tensyon sa ilang barangay kung saan agad naman silang nag-deploy ng dagdag na personnel.
Wala ring naitalang record ng vote buying incident sa lungsod ang kapulisan.
Samantala, naging maayos rin ang pagsasagawa ng eleksyon sa Barangay Monica Blumentritt sa City Proper na nag-iisang barangay sa lungsod na nasa ilalim ng yellow category o areas of concern ng Comelec.| via Emme Santiagudo| RP1 Iloilo