Hindi iniaalis ng Bangko Sentral ng PIlipinas ang posibleng pagtaas ng interest rate sa susunod na buwan kasunod ng 6.1% na headline inflation nitong Setyembre.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., maaring nasa 25-basis point ang rate hike ngayong Nobyembre.
Ito ay sa kabila ng babala ni National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan sa negatibong epekto ng sunod-sunod na paghihipit ng monetary policy.
Nang tanungin ng media si Remolona ukol dito, tugon nito na hindi naman nagkakalayo ang pananaw nila ng NEDA, ibabase nila ang kanilang desisyon sa datos ng inflation.
Paliwanag pa ng BSP Chief, sa tingin niya, nais lamang ni Sec. Balisacan na maghinay-hinay sa pagtataas ng interest rates.
Sa Nobyembre 16 nakatakda ang pulong ng Monetary Board. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes