Ipinagdiriwang ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ika-29 na National Correctional Consciousness Week sa pamamagitan ng mga aktibidad na naglalayong maisaayos at baguhin ang Persons Deprived of Liberty o PDL bilang isang normal at responsableng mamamayan.
Layon din nito na lumikha ng kamalayan para sa partisipasyon ng publiko sa
re-socialization at reintegration ng mga bilanggo, probationers, at parolees sa lipunan bilang produktibo at law-abiding citizens.
Tuwing Oktubre, ginugunita ang Prison Awareness Week o National Correctional Consciousness Week alinsunod sa Presidential Proclamation 551 series of 1995. (Former President Fidel Ramos).
Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad, sa weeklong celebration ay fun run, zumba, medical mission, blood letting, gift giving, feeding program, legal and paralegal services, bazaar at awarding ng stakeholders.
Extended din ang visitation hours sa PDL family day sa lahat ng NBP at Correctional Institution for Women (CIW) prison camps sa ika-28 at ika-29 ng Oktubre.
Nasa proseso rin ang BuCor ng pagsasapinal sa eksaktong bilang ng Persons Deprived of Liberty (PDL) na palalayain sa Biyernes na magiging bahagi rin ng programa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Bureau of Corrections