Kapwa lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para sa pagsusulong ng anti-illegal drugs campaign sa loob ng bawat penal farms sa bansa kabilang na ang New Bilibid Prisons.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., na layon ng natruang MOA na magsanib pwersa ang naturang mga law enforcement units sa bansa upang sugpuin ang pagpasok ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid at iba pang penal farms sa Pilipinas.
Sa tulong ng mga kabahaging mga sanghay ng pamahalaan aniya na masusupil na rin sa wakas ang pagpasok ng droga sa bawat piitan at ng maging mapayapa na at maiwasan ang kurapsyon sa loob ng Bilibid
Kaugnay nito, kapwa dumalo sa nasabing pagpupulong si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, NBI Director General Menardo De Lemos, at NICA Representative Rolando Asuncion. | ulat ni AJ Ignacio