Bureau of Immigration, makikipag-ugnayan sa DFA para sa mare-repatriate na OFWs hinggil sa kaguluhan sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda nang makipag-ugnayan ang pamunauan ng Bureau of Immigration (BI) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga kababayan natin sakaling magkaroon ng repatriation sa naging kaguluhan sa bansang Israel.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakatakdang magpadala ng special teams ang BI para mapabilis ang proseso ng repatriation process ng OFWs na mare-repatriate sa Israel.

Dagdag pa ni Tansingco na inaantay na lamang ng kanilang tanggapan ang schedule ng mga flights upang maipadala na ang kanilang mga team na tutulong sa repatriation.

Muli namang siniguro ng BI na gagawin nila ang lahat upng mabilis na makauwi ang ating mga kababayan at ligtas na makabalik ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us