Buwanang ₱1,000 hazard pay sa mga barangay tanod, ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang pagsasabatas ng buwanang ₱1,000 na hazard pay para sa mga Barangay Tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sa paghahain ng Senate Bill 794, ipinunto ng senador na sa kasalukuyan ay binibigyan lang ng hindi bababa sa ₱600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.

Giit ni Estrada, hindi ito sapat kung ikokonsidera ang bigat ng trabaho nila na panatilihin ang peace and order sa kanilang lugar.

Maituturing aniya silang mga frontliner, kaya karapatdapat lang na bigyan sila ng proteksyon at suporta sa pamamagitan ng pagmamandato na bigyan sila ng hazard pay.

Sa ilalim ng panukala, ang pondo para dito ay manggagaling muna sa Depatment of Interior and Local Government (DILG) habang sa mga susunod na pagpapatupad nito ay isasama na ito sa budget ng mga lokal na pamahalaan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us