Naghahanda na ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa inaasahang dagsa ng mga passahero sa darating na Undas.
Ayon kay CAAP Spokespeson Eric Apolonio, ikinasa na nila ang ‘Oplan Biyaheng Ayos’ sa lahat ng paliparan sa bansa at nakipag-ugnayan na sila sa law enforcement units para naman sa seguridad nito.
Kaugnay nito, nakipgpulong na rin sila sa mga airline company para naman sa pagde-deploy ng karagdagang tauhan upang mas maserbisyuhan ang ating mga kababayang uuwi ng kani-kanilang mga probinsya.
Samantala, muli namang nag-abiso ang CAAP sa mga pasahero partikular sa mga international passengers na maglaan ng tatlong oras bago ang kanilang flight schedule upang walang maging aberya sa kanilang biyahe. | ulat ni AJ Ignacio