Caloocan LGU, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng batang nahulog sa imburnal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Caloocan City Local Government sa pamilya ng tatlong taong gulang na batang nasawi matapos aksidenteng mahulog sa imburnal nitong Sabado.

Bumisita na ang mga kawani ng Caloocan City Social Welfare and Development Department (CSWDD) sa pamilya ng bata sa Brgy. 176 kung saan nagpaabot ito ng pakikiramay gayundin ng tulong pinansyal.

Ayon kay CSWDD Action Officer Obet Quizon, mahigpit ang bilin ni Caloocan Mayor Along Malapitan na alalayan at tulungan ang pamilya ng biktima sa mga pangangailangan ng mga ito.

Nauna nang sinagot ni Mayor Along ang burol at libing ng biktima habang bibigyan din ng counseling ang mga miyembro ng pamilya ng bata.| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us